Tree Planting for a Cause

Sinuportahan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Rocky D. Ilagan ang Tree Planting for a Cause na ginanap kaninang umaga, Pebrero 13, 2021 sa Muelle. Sama-sama para sa Inang Kalikasan at tulong-tulong sa pagtugon sa pangangailangang pang-edukasyon ng kabataan.

Marami ang dumalo at nakiisa sa programa para sa kalikasan ng Parents Teachers Association ng Puerto Galera Academy. Ang pondong nakalap ay ibibigay sa mga estudyanteng walang kakayahang makapagbayad at makabili ng gamit para sa pag-aaral.