RDI PALS

Rural Development Interventions Program and Activities for Livelihood Sustainability. Sa pagpapatuloy ng programang pangkabuhayan para sa minamahal na mamamayan ng Puerto Galera, ginanap kaninang umaga, Abril 15, 2021 ang pagbibigay ng mga sisiw, patuka, vitamins at waterer sa Muelle Cultural Heritage Park.

Kaalinsabay sa agarang pagtugon sa usaping pangkalusugan, siniguro ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Rocky D. Ilagan na makapagbigay ng tulong pangkabuhayan at pagkakakitaan na kaagapay sa pagtugon sa pangaraw-araw na pangangailangan. Batid ng ating Punong Bayan na madami pang pagsubok ang sama-sama nating tatahakin at sabay-sabay nating kakayanin at pagtatagumpayan.

Dumalo din sa naturang programa si Vice Mayor Marlon L. Lopez at ang nagkakaisang miyembro ng Sangguniang Bayan. Nanatiling positbo ang ating mga lingkod bayan na patuloy tayong magiging matatag sa kabila ng mga balakid.

#SerbisyongRDI
#PusongRDI