Cash and Food Subsidy for Marginal Farmers and Fisherfolks Program ng Department of Agriculture

Noong Pebrero 04, 2021, ginanap ang Cash and Food Subsidy for Marginal Farmers and Fisherfolks Program ng Department of Agriculture kung saan 56 na magsasaka at mangingisda bawat indibidwal ang nabigyan ng tulong na nagkakahalaga ng limang libong piso. Ang tema ng naturang programa ay “Biyayang pang-agrikultura, hatid sa gitna ng pandemya”.
Patuloy ang Ama ng Bayan ng Puerto Galera sa paghahanap ng pondo at tulong mula sa National Government.

Kaya naman, kaninang umaga lamang, Pebrero 09,2021 ay 33 mamamayan mula sa bayan ng Puerto Galera ang binigyan ng Livelihood Assistance Grant kaninang umaga. Ang programang nabanggit ay pinangunahan ni Mayor Rocky D. Ilagan kasama sina Gng. Florife Dimaala, Provincial SLP Coordinator at Gng. Alaisa Lineses, OIC-MSWDO.

Ang LAG ay isa sa mga recovery and rehabilitation programs ng pamahalaan na may pangunahing layunin na magsilbing tugon para sa mga pamilyang kabilang sa low income o informal sector na nawalan ng pagkakakitaan o kabuhayan dulot ng community quarantine.

#SerbisyongmayAksyonatMalasakit
#SerbisyongRDI
#PusongRDI