160 Barangay Health Workers at 18 Barangay Nutrition Scholars Nakatanggap ng Cash Incentives

Isa na namang tulong mula sa National Agency ang ibinaba ngayong araw, Pebrero 18, 2021 kung saan 160 Barangay Health Workers at 18 Barangay Nutrition Scholars ang nakatanggap ng cash incentives.

Ang ating mga health frontliners ay nakatanggap ng Special Risk Allowance at Active Hazard Duty Pay Grant mula sa Department of Health sa matiyagang pakikipagugnayan ng Lokal na Pamahalaan sa pangunguna ni Mayor Rocky D. Ilagan.

Hangad ng Ama ng Bayan ng Puerto Galera na lahat ng nagbigay ng serbisyo sa bawat barangay ay makakuha ng pinansyal na tulong ngunit ang mga BNS at BHW lamang ang kwalipakadong bigyan batay sa alituntuning ibinigay ng DOH.Ang naturang programa ay dinaluhan din ni Vice Mayor Marlon L. Lopez at ng nagkakaisang miyembro ng Sangguniang Bayan.

#SerbisyongRDI#PusongRDI
#PusongRDI